Hithit.
‘Sang segundong sarap.
Pagsapit ng segundong kasunod,
Kakawala na ang usok
Sa ayaw mo’t sa hindi.
Pitong segundong kaltas sa iyong paghinga,
‘Sang segundong katumbas na kapayapaan
Mula sa iyong pagkaligalig.
Patas, kung tutuusin.
Pero mahirap palang masanay
Na may hawak sa pagitan
Ng mga daliri.
Mahirap lang talaga
Masanay.
Kapag wala, hinahanap.
Kapag nandiyan,
Hithit.
Kahit saglit lang, makikilimos lamang
Ng konting sarap.
Lalasap hanggang---
Hindi na pala pwede.
Mga segundo pala’y nauubos din.
Itong rolyong mas mahaba pa sa aking buhay,
Masakit sa loob itapon, sayang.
Pero kailangan ko nang umalis.