Lapnos sa balat,
kumukulong tubig.
Isa pang halik na gumagayat sa dila,
tusok ng tinik sa ngalangala.
Isa pang hawak sa kamay, ang latay
deretso sa pulso.
Matapos, itong latigo ring ito
ang bibigti sa iyong
guni-guni, makatang panglaw
na naghahanap ng maisusulat
Dahil wala nang iba.