Ano ba namang trip yan? Kapag nagmahal ka ng kaunti, iiwan
ka. Kapag sobra pala, iiwan ka pa rin. Gaano ba kasi karami ang ‘tama lang’? Tama
ba talaga ang ‘tama lang’? Madali lang naman magsabi ng “Mahal kita” kaso hindi
madaling panindigan. Bakit ba kasi sasabihin kung babawiin rin naman pala?
Inalis lang nila ang ‘g’ sa pag-asa. Bakit masakit, kuya Eddie? Sa maling rason
at maling desisyon, maling tao ang nasaktan. Pero salamat na rin kasi dahil
masakit, nalaman kong may puso nga ako. Kapag sinabi mong “Break na tayo”, hindi
ba shortcut lang yun sa “’Wag mo na akong hawakan, ‘wag mo na akong halikan,
‘wag mo na akong tawagan at putang ina mo, lumayas ka sa buhay ko. Hindi kita
maintindihan, mabuti pang bumalik ka na lang sa sinapupunan ng nanay mo. Gago. Isa
pa. Gago.”? Loser ang mga nagsasabi ng “Break na tayo.” Weak. First blood.
Duwag. KJ. Sila yung mga walang forever. Minsan mapapa-isip ka, “Bakit ba kasi
hindi na lang tayo ginawang halaman?” Minsan tatanungin mo na lang sa hangin, “Kapag
binigay mo na ang lahat tapos walang nangyari, ano yun, lahat na nga pero
kulang pa rin?” “Ay puta. Isang malaking kagaguhan”, sagot naman ng hangin.
Pero masaya magmahal. Kahit hassle, kahit shit, kahit nakakapokra. Putang ina
kasi ng pusong sinaksak sa baga na kapag nagsimulang tumibok, Boom Pag-ibig.
Makulimlim ngayon sa Dema dahil may isang tangang naniwala sa tadhana at sa
“Bahala na si Batman.” Walang tadhana, tanga. Batman lang ang meron. Hehe. Pero
minsan, napapagod rin siya. Hay. Nawawala na naman si Orion sa kalawakan. Bakit
ayaw na niya akong makita ulit? Teka, hindi ako bitter. Nagtatanong lang. Hindi
ko pa rin talaga maarok ang trip ng kalawakan. Mag-iisip na lang muna ako ng
sagot kaya... Break na muna tayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento