18.3.16

Nakauwi Na

Bagalan nating maglakad. Ayaw ko pang umuwi.

Sabihan mo ako ng mga bagay na kung anu-ano. Kwentuhan mo ako ng basta-basta, tulad ng mga kwento ko sa'yo. Nais kong marinig lahat ng 'yong kababawan hanggang sa kalaliman at makita ang bawat kasuluksulukan ng kalawakan ng isip mo.

Sabihan mo ako ng mga nakakatawa, nakakatakot, nakakainis, out-of-this-world, anything-under-the-sun, may-masabi-lang na mga bagay na alam mo. Makikinig ako. Pero ayos rin naman sa akin kahit ba tahimik lang. Alam kong likas kang matipid sa salita. At madalas ko ring pinakikinggan ang katahimikan mo.


Bagalan nating maglakad. Ayaw ko pang umuwi.


Alam kong limang minuto na lang bago parang upos ng sigarilyong mauubos itong daan na tinatahak natin. Pero sa natitirang limang minutong iyon, ang alam ko lang ay ligaya. At ang daan, parang ulap at hindi baku-bakong semento.

Samahan mo lang ako kahit wala kang masabi. At samahan mo lang ako kahit marami akong gustong sabihin sa'yo pero pipiliin kong huwag na lang magsalita. Samahan mo ako hanggang ang limang minuto ay maging oras, araw, buwan... dekada. Samahan mo ako hanggang ang kahapon ay tuluyan nang malimot at ang hinaharap ay kaya nang harapin.


Bagalan nating maglakad. Ayaw ko pang umuwi.


Namnamin natin ang mga sandaling sabay ang sukat at bilis ng ating paghakbang. Dahil sa ganitong paraan, para na ring sabay ang tibok ng ating mga puso. Parang isang pyesang sabay tayo sa kumpas. Parang mga notang tama ang bagsak sa musikang singkopado.

Namnamin natin ang mga sandali dahil kahit na hindi pa natin pwedeng mahiram ang mga palad ng isa't isa, alam ko naman na sa atin ang mga natitira pang segundo bago ako pumanhik sa dyip na nag-aabang. Bago ko baunin sa pagtulog ang alaala mong naglalakad palayo hanggang sa hindi na kita makita.


Bagalan nating maglakad. Ayaw ko pang umuwi.

Ayaw pa kitang umuwi.


Dito muna tayo. Dito muna ako, kahit sa gilid lang ng utak mo. At dito ka muna, kahit sa hagip lang ng gilid ng aking mata. Dito muna tayo, sa mga panakaw na sulyap at mga hiram na sandali. Dito muna tayo, sa hindi umaasa. Para hindi na naman mabigo. Dahil dito sa kung saan may ikaw at ako, kahit walang tayo, maituturing ko pa ring ako'y nakauwi na. At sana, ikaw rin. 

21.2.16

Love

Love was the warmer days my body was aching for.
I longed for her with watery eyes, withering soul,
Waiting, believing that love is a verb,
 That she will eventually come
Show up at my door with eyes more watery,
soul more withering than mine,
saying she can’t bear another moment
without a glimpse of my face.

Yet, my door remained as empty as it was open,
Left me believing that love is a verb, love
Is a verb that is somehow manifested otherwise
As a noun misused,
A metaphor often misunderstood, love
Is an adjective for the lump in my throat
For the excuses she makes when she chooses her friends
Over me, love
Is the word for that sinking feeling I get whenever I realize
I’m not actually included in her life plans.

I thought maybe love was a room I could come home to.
Maybe love was a two-way ticket, a comfy bus ride home.
Or a crowd I could sing songs to and listen wholeheartedly
even if I was off key.

But love is the one who’s off key.
Love is black and blue mistaken for a red one.
Love is the lowest card in the deck mistaken for an ace.
Love is a blatant vanity that feeds one’s self
And effort is like a flower, elegant and lovely
But in due course fades.

And I?
Just another story love holds
Sooner abandoned, later forgotten and
Seemingly nothing more than a hangover she got
From her drinking spree the night before.

But love is a verb.
It arrives, it hurts, it leaves.
Love is a verb.
Love tries, love gives,
Love, loves.

And if love is indeed a verb, I still believe
Love thinks of me in spite.
And one of these days, it’s gonna come
Show up at my door with eyes more watery,
soul more withering than mine,
saying she can’t bear another moment
without a glimpse of my face.

24.1.16

Nanonood Ako ng Movie ni Kim Chiu Habang Sinusulat Ko 'To

Naghihintay hanggang tuluyang lumabo
O luminaw
Ngunit ngayon pa lang, pinipiringan na’ng mata.
Mapapagod o masasanay?
Nalulungkot at nagagalit ng sabay.
Naghihintay na lang mamitig
Kakatitig sa oras na
Pumapatak –hindi, tumatakbo
Parang ikaw
O ako.
Kung tutulinan, mahahapo
Ayaw ko pang sumuko kahit
Tawagin ma’y lumalayo,
Matatapos na yata ang yugto’t
Mapipilitan na lang akong huwag maduwag
Sa dagok ng tadhanang parang kumag
Na ‘di ko kailanman mapagtanto,
Tulad mo.