12.11.14

Northbound Blues

Long Distance Rel.

I could only imagine her face
Among the silhouettes
Engulfed in the metropolis’
Fast-paced pandemonium:

Stuck in traffic.
Travelling long roads,
In busy streets, taken away by
Dim-lit posts by the sidewalk

While I'm on the other side
of this Expressway
Standing between us----
Waiting for it to

Either confirm
Or omit
The distance in
Long relationships.


6.11.14

Ano'ng Trip ng Kalawakan?

Ano kayang trip ng kalawakan? Hindi ko maarok. May mga bagay na hindi niya pinapahintulutang makita natin pero nandiyan. May mga bagay na matagal nang patay pero nandiyan. Hindi mo maintindihan pero nandiyan. Napakalawak ng kalawakan upang maging angkop at magkasya siya sa pangalan niya, o di kaya’y sa utak ko. Teka, teka. Hindi kaya naiinip ang mga bitwing nakatengga sa kalangitan? Kung may noo lang siguro ang araw, matagal na itong nakakunot. Mainit ang buwan dahil sa ilaw nito pero malamig pa rin talaga sa gabi. Bakit kaya ganun? At kung hindi bawal magtanong ng bakit, bakit? Nakakangawit kaya ng utak mag-isip. Mamaya na nga lang ulit. Hindi ko na ‘to trip pero wala pa ring basagan, ah. 

5.11.14

Wag Niyo Na Lang Hingan ng Pamagat

Tuwing gigising siya’t
Yayakap sa akin,
Nakakalimutan kong huminga.

At ako’y pipikit sa pagnamnam
Ng mga nakaw na segundo.
Parang

Dalawampung pahina
At higit pa
Ang kaya kong isulat,

Sa katotohanan ng mga sandali.
Sa paglisa’y wag magmadali,
Pakiusap.

Sana pagmulat ko’y nariyan pa,
Nais masdan mga mata
Sa ga-ikling segundong natitira.

At sa akma niyang pagpanhik,
Lilingunin kaya niya ako pabalik?


Sana.