30.7.14

Ang Kahapon Mo ay Siyang Bukas Ko Pa Rin

Ano ba itong kalungkutang hindi nabubura ng alak? Lango ka na’t lahat, nandiyan pa rin. Nananalangin na lang ako sa basong nag-uumapaw na sa pagpawi niya sa aking katinuan ay kunin na rin niyang sabay ang masalimuot kong alaala. Matapos nito’y uuwing basagan at pa-krus na tatahakin ang landas na talaga namang tuwid. Ito’y gasgas kong estilo sa pagtakas sa anino ng nakaraang nagmamay-ari ng mga yabag na siya pa rin namang nauulinigan ko sa aking likuran tuwing ako’y uuwi; at sa aking pag-idlip ay bubungad pa rin naman ang kaniyang mukha. Bawat paggising ay panibago na namang pakikibaka sa nanunuot na pait. Nakakapagod rin pala.

Ilang pahina pa ba sa kalendaryo ang hihintayin kong mapilas hanggang ang luha ay tumigil sa pagdanak? Ilang buwan pa kaya ang bibilangin, taon, dekada? Ilang tagay, ilang bote, hanggag sa tuluyan ko nang isuka ang poot na nananalaytay sa aking sistema? Nakakasuya nang pumikit gabi-gabing nagbabakasakali lamang na baka bukas ay darating muli ang ligaya; nakakasuyang maghintay, nakakasuyang manlaban sa kalungkutang bumabalot sa bawat umaga. O pusong pinugaran ng puspos na pangungulilang hindi ko layuning kunsintihin, huwag ka na sanang tumibok kung ako’y bubuhayin mo lamang sa sakit. Nasasabik na akong ngumiti nang hindi nagkukunwaring ako’y masaya. Sa hinaba-haba nitong aking paghihintay, kailan pa?

Alam kong kailanma’y hindi na siya magbabalik. Ang sa akin lang ay hindi pa rin ako tapos magluksa sa kaniyang pag-alis. Tahimik siyang lumisan sa gitna ng aking paghimbing, isang pamamaalam na walang anumang bakas o pagbatingaw ngunit ramdam ko hanggang sa kaibuturan ng aking kaluluwa. Pero sa kabila ng lahat, sa pagitan ng aking mga hikbi ay obligado pa rin akong huminga kahit pa sabihin kong wala na naman itong silbi. At kung hindi man ako makabangon sa aking pagkakadapa ay obligado pa rin akong gumapang na lamang. Dahil iyon ang hinihingi ng panahon. Marahil ay hiningi rin ng panahon na kami’y magkawalay. Sa mga pagkakataong hindi sinasadya, maaari rin palang maging obligasyon ang tumalikod sa mga taong pinahahalagahan natin. At kung hindi ko maturuan ang aking utak na kalimutan siya ng sapilitan, marahil itong pusong nananatiling umiibig ang siyang dahilan.

Kung gayon, hindi pala talaga kalungkutan ang hindi mabura-bura ng alak. Pag-ibig pala ito, na siyang pinag-ugatan ng kalungkutan. At habang ang patuloy na sumasalubong sa aking paggising ay mga umagang may kalakip na pait, sumasalamin lamang ito sa isang pusong hindi kailanman lumimot na makaalala. Hindi ko alam kung ano ba ang mas unang mauubos, ang mga pahina ng kalendaryo o itong pag-irog na lubos? At ang pag-irog, aabot kaya ito ng taon, dekada o ng hindi masukat na habangbuhay? Ang kinakatakot ko lamang ay paano kung may dumating pang isang mas magmamahal sa akin at nananatili pa rin akong bihag ng nakalipas na ala-ala? Ngunit kung dumating nga iyon at matagumpay niyang napawi ang lungkot, poot pati na ang pagmamahal, nangangahulugan lamang iyon na ako muli ay malaya na. Iyon lamang ay kung magagawa niya talagang palayain ako.


Bago pa man dumating ang pagkakataon na iyon, ang alam ko lamang sa kasalukuyan ay ang kabuuan ng aking gunita'y mananatili pa ring nakalaan sa iisang tao lamang. Ito’y hindi dahil sa kinunsinti ko ang puspos na pangungulilang namumugaran sa aking puso, kundi dahil hahayaan ko na lamang na ang puso ko ang magdikta. Hahayaan ko na lamang na ang puso ko ang kumalimot, dahil siya rin naman ang nagsimulang magmahal. Ang tao ay hindi kailanman nasanay sa lungkot. Kailangan lang niyang himukin ang sariling obligado siyang mamuhay ng dala-dala ito. Kung hindi ko na maibabalik pa ang batang ako na dati rati’y laging masaya, siguro ito’y dahil ang batang iyon ay kailangan nang tumanda at mamulat sa masalimuot na realidad. At sa pagitan ng aking mga hikbi ay ako’y humihinga, ako’y gumagapang; ngunit sa aking paghikbi, paggapang at patuloy na paghinga, siya’t siya pa rin ang aking pinanghahawakan... para sa lahat, ang aking natatanging dahilan. 

25.7.14

Para sa Susunod na Magmamay-ari ng Puso Niya

1. Alam mo yung effort? Hindi lang siya basta “exertion of power.” Effort, yung paggawa ng mga bagay na kahit hindi ganun kadali o kahit hindi niya direktang sabihin sa’yo eh gagawin mo para mas maipakitang mahal mo siya. Effort, bro. Pag-alayan mo siya ng madaaaaming madaming effort. :)

2. Namamangha siya sa magagandang tanawin. Sa wonders of nature, city lights, sunsets, dalampasigan, etc. Tumambay lang kayo sa mga may ganun, masaya na siya. Really, you don’t need to bend over backwards to please her. (But I’d appreciate it more if you would. ;) ) 

3. Masaya makinig sa mga kwento niya, sa mga pangarap niya, especially yung mga cool architecture stuff.

4. Sana ang mga pangarap niya’y maging pangarap mo din. Ang mga bagay na mahalaga sa kaniya’y pahalagahan mo rin. Ang mga mahal niya, sana mahalin mo rin.

5. Hindi naman mahirap makitang mahal ka rin niya. Wag kang mag-alangan.

6. Madali siyang mainip pero kung ikaw ang hihintayin niya, biglang may magic na extension ang pasensya niyan. Matuwa ka.

7. Hindi siya masalita kapag humihinga ka sa kaniya ng problema pero alam kong narinig at naintindihan niya lahat ng salitang lumabas sa bibig mo.

8. Just because she doesn’t talk doesn’t mean she doesn’t sympathize with you. She’s not just much of a talker. Pero magpasalamat kang nandiyan siya.

9. Matigas ulo niya minsan but you don’t need to straighten her out. Alalayan mo lang.

10. Pagalitan mo siya palagi kapag nagmamaneho siya ng nakainom.

11. Hindi siya madaling magalit pero kapag nagalit yan... *Hiroshima explosion* Kaya wag mo na lang siyang gagalitin. :)

12. May mga pagkakataong bugnutin siya lalo na kapag inaantok pero wag ka agad magtatampo. Just stay with her until the soy sauce (English ng ‘toyo’. Bakit ba?) goes away.

13. Comfort food? Dark chocolate. Hershey’s o kaya Goya. Soya milk, pwede rin.

14. Paborito niya yung pininyahang manok. Ibigay mo sa kaniya lagi yung part na pakpak.

15. Pag nagsimula na siyang kumanta sa harapan mo, maswerte ka. Hindi niya ‘yan karaniwang ginagawa. Ibig sabihin niyan, masyado na siyang komportable sa’yo. Treasure it. Record mo boses niya. (Upload mo sa Soundcloud para mapakinggan ko rin, ah. Haha. Joke.)

16. Kantahan mo siya bago matulog, gusto niya yun.

17. Kantahan mo rin siya kahit hindi bago matulog. Wala siyang pake kung pangit boses mo, basta sincere ka lang.

18. You wanna cheer her up? You really, really wanna cheer her up? Pumunta ka ng Elbi, hanapin mo yung Ken’s Eatery. Bumili ka ng kanin at lechon kawali. Dalhin mo sa kaniya. Hehe.

19. Mahilig siya kay Superman. Regaluhan mo siya ng Superman stuff. O kaya ng mga iba pang cartoon shits like Batman or Spongebob, mga tees na ganun ang design.

20. She’s crazy over Vans. Cute, diba?  

21. Kapag gusto mo ng Moma, (Moma, movie marathon. Hindi momol. :/ Pakyu.) horror films are a big no.

22. Kahit ang cute niya kapag natatakot, huwag mo siyang sisimulang kwentuhan ng mga supernatural stories or something. Pag may araw pa, medyo okay lang. Pero pag sa gabi, just shut the fuck up.

23. Frog is fear, bro. Frog... is fear.

24. Magtiyaga kang lagi siyang ihatid sa dorm niya, lalo na’t gabi. Sunduin mo rin siya dun, kung pwede.

25. Kapag tinatamad siyang pumasok, samahan mo siya sa classroom. Haha. Pero di nga, seryoso. (Ako kasi, hanggang hatid lang nagawa ko.)

26. Suportahan mo siya sa kahit anong gusto niya but never lead her astray.

27. Do sweet things for her.

28. Try to show her all the beautiful things in life that you know of.

29. Pupugin mo siya ng mga luho niya. Give her things she likes. (Kasama yun sa effort. ;) )

30. Sana, sana ingatan mo. Ingatan mong mabuti. Hawakan mo ng dalawang kamay –hindi ganoon kaluwag ang hawak, baka mahulog; huwag rin masyadong mahigpit, baka masakal.  (Sisiw lang? Kalapati? Haha.)

31. Yakapin mo siya palagi, hawakan mo kamay niya. I-kiss mo siya. Sa cheeks, para cute. Sa cheeks lang, para laging cute. Cheeks lang, ah.

32. Kahit anong mangyari, kahit maging active na ulit yung mga inactive na bulkan o biglang dumating yung apocalypse o kaya magalit sa’yo buong angkan niya, huwag na huwag na huwag mo siyang iiwan. (Kung ayaw mong makatikim ng roundhouse kick galing sa akin.)

33. Subukan mong panindigan na sana, ikaw na yung ‘forever’ niya.

34. Kapag nagpromise ka sa kaniya, gawin mo lahat para matupad. Kahit pa kailangan mong magsakripisyo. Kung mahal mo talaga siya, ano ba naman ang sakripisyo diba?

35. Sana maging sobrang masaya kayo pareho at dun kayo titira sa dream house niya with the great big window overlooking the lake na gusto niyang ipatayo sa Tagaytay.

36. Lagi mong papalakasin loob niya kapag napanghihinaan siya. Kapag kailangan niya ng push, dapat nandiyan ka palagi.

37. Mahalin mo siya ng tunay, ng buo. Yung pagmamahal na walang makakapantay.

38. Isaksak mo sa kokote mo kung gaano ka kapalad na sa’yo na siya ngayon. (Naiinggit ako sa’yo, nigguh.)

39. Kapag umiyak siya, siguraduhin mong tears of joy lang ‘yun.

40. Wag na wag mong sasayangin ang tiwala niya.

41. Sa oras na malaman kong dinurog mo ang puso niya, magtago ka na sa sinapupunan ng nanay mo dahil mukha mo na ang sunod na madudurog. Bro, mata sa mata ah.  ;)

42. Ikaw, kung sino ka man. Tatawagin na lang kita sa pangalang... Superman. (Dahil fired na daw si Batman.) Kaya Superman, masakit man sa loob ko bro, ikaw na ang bahala ngayon. –Batman. Hehe

24.7.14

Ang Ikaapat sa Tatlong Gabing Karamay Ka

Mahirap pala maiwang mag-isa
Sa lilim nitong munting kandila.
Lalo’t parang kagabi lamang ay
Narito ka.

Kay lawak nga ng aking bintana
Mga bitwin nama’y hindi alintana.
At ang nanunuot lamang sa wagas na kalangitan
Ay tanging nagngangalit na ulap na abuhan.

Sa kuna kong katreng malamig,
Kahapon may tawa pang naririnig.
Ngayo’y huni na lamang ng mga kuliglig
At kalampag ng bote ng alak sa sahig.

Bawat usok na sumayad sa aking kamay,
Mapait ang impit na dulot sa pagbuga.
Masarap sana kung mayroon pa ring karamay
Sa pag-ubos nitong aking kaha.

Saglit na lang bago mapagtunawan itong mitsa.
Sana, sana lamang ay narito ka pa.
Nang aking malimutan kung paano mag-isa
Sa lilim nitong munting kandila.



>Para kay Kian Beltran –isang kaibigang matalik, at sa mga masasayang alaalang naihatid ng mga lumilipad na yero, natumbang poste, picture frames na biglang mahuhulog sa mukha mo at ng matibay na puno ng niyog sa likod ng bahay ko. 

A Soliloquy of My Melancholic Self

Mornings still send me thoughts of you, thoughts that constantly linger until the dead of night; and drifting away in slumber, I even find you in the farthest corners of my subconscious. I open my eyes every dawn only to live over that same routine –a seemingly infinite loop, wandering with the ghosts of my past. Once, you were only a dream. Then you came true for a moment and went back to what you really were. Again, a dream... Something intangible, something I could only grasp in the vicinities of my fairly ambitious fantasy. It’s not that easy to abort a love I’ve long been waiting to have, but the hardest part is waking up everyday knowing that I couldn’t be with you any longer. The saddest thing is breathing these hopeless breaths, knowing it is not you whom I breathe for anymore.

When you left, you took away with you the colors of my life. I had to force myself to go on living but I carried on, feeling that the world has already lost its very soul; that even the sunset seems to mock me. That sense of calm I consistently found in witnessing it was replaced with piercing sorrow. I never thought sunsets would make me feel so lonesome until I lost my heart to you. Now, the seamless fusion of crimson and sapphire skies only provides me a constant reminder of this vacant space in my side where I long for you to be. The dusk has always been a glorious spectacle, the sun bidding farewell with such pride and victory after a day’s great show. But presently, all it looks like to me is a withering day –with missing vibrancy and dramatically diminished incandescence. The stars appear at night, hanging splendidly in display all over the heavens. I used to make constellations out of them but now they’re just plain, unpatterned white dots in an empty canvass. I still count shooting stars though, but not anymore knowing what to wish for because I know there is no way I can get the one thing I really want. And whenever I look at the moon, I wish I could still tell you how luminescent it appears to be so we can both share its grandeur even though you’re miles away. Yet again, the moon only illuminates the fact that we have hell of a great distance between us and not the fact that we just live under the same horizon.

Friends trick me into thinking that the sadness isn’t supposed to be there but I know it’s there, it’s just a fact waiting to be accepted. Sadness as well is something that you couldn’t just turn off, like love. I only have to look for ways on how to make the agony more bearable. Perhaps, I could use some solitude and cut off the noise to find myself peace. But now even the silence is noisy, resonating vivid hallucinations of our memory. It only heightens my awareness of your absence. The silence, as empty as I am. And I still consider any sound nonessential until I could once more hear you speak to me because by far, only your voice has the capacity to make me think that things have fallen into place again. That voice which often whispered the words “I love you” to me was the same voice which gave me the power to single-handedly conquer any battle. It’s gone now, that voice. With it, what was once my stubborn will has vanished in an instant and it’s like I’ve been robbed of my own sensibility.

Since I’m not one to waste time on dealing with lost causes, I would have turned my back on my shattered history. I would have turned my back on you. Yet I refuse to move forward because the worst part’s that tomorrow will not bring you to me anymore. It only took three months, after all those years I’ve survived alone, to make me forget how to live without you. Before, I was only scared not to find you in my tomorrow and for the rest of my tomorrows to come. That paranoia-turned-reality got me living in a nightmare. Without you, my future seems like a vast field of barren land; and my present, a decaying process. I am more afraid to find that this insatiable gap inside me can be filled by no one or nothing else but you. How I wish I could just scrape you off my mind as fast and as easy as you did with me. But I have found out with your help that the love I have inside my heart is capable of setting no boundaries. I have discovered that my heart knows no limits, it doesn’t know how and when to stop despite the grievances and tragedies it suffered. And each passing hour, my heart slaps in my face that it hasn’t stopped loving you until now. Even if it now knows how it hurts to be forgotten. Even if it now knows that there are just things one can’t really have despite how they want it so bad, regardless of how it has learned that lesson the hard way.

What a disastrous sight it is, being left in love alone. It’s like being left for dead in swirling memoirs of a distant past. It reminds me of how I extremely detest the phrase “used to be” --the most embittering thing in the world, it splits my ears when I hear it. It’s the sound of deprivation of the ability to turn the situation around simply because it’s over and done with. Looking back only to find the wreckage, I feel rather sorry because I never wanted ‘us’ to end in the first place. Especially now that our used-to-be’s are very much alive, co-habiting with me in the form of your smell in my pillow or your shirt in my closet and even your little tokens of thoughtfulness piled up in my bag. When I walk along these streets in the town which used to be our sanctuary, I imagine us sitting in our hangout places and still grabbing on to the small chance that maybe, just maybe, I might walk right past you even if I know for a fact that I never will. Not anymore. When I come home, I still see you sitting in the kitchen of my apartment and blasting some music from your iPhone. I’d sit there and sing along, ignoring the truth that it’s just me and the songs you used to play that are there. I always doze off, make-believing that my bed isn’t just too big for me because I have you to share it with, and I could once more wrap my arms around you and spend my entire night basking in the scent of your hair and the warmth of your skin.

Only a few months have passed but all of these seem not only so far away but dreadfully irretrievable. All those kisses, the tight embrace. The long nights and the hot chocolates. The teamed up cups of coffee and bunches of reviewers. Having dinner at midnight and eating breakfast on afternoons. Sleeping just after the sun rises and waking up with hands clasped together, ignoring the alarm. But the best part of it all was looking straight into your eager eyes that reflected great fervor and the similar contentment we had in each other’s company. Oh, how it made me feel ecstatic every time. I will always be fond of these moments because these are the moments when I was aware that grief can possibly be halted from dominating this planet. There is no denying that I’m still tethered to the world we made for ourselves. How can I not hold on to someone who made me experience things that are seemingly surreal? Honestly, you’re not that easy to recover from. I must get there, nevertheless. I have to. But if the time comes when I finally have the strength to pass by your dorm again, for example, I know I wouldn’t help but glance at the window of your former room. And if I catch its light turned on, I know that I would never be more delighted than how I used to be back then when that certain beam of light still tells me that you’re just there, passing the time or maybe browsing through your handouts. You can’t be with me anymore but the shadows of your image still remain in my actual reality. It’s the aftershock, the echoes of memories from a very special era in my timeline. They’re forever plotted there like the ink you put on paper whenever you’d doodle on my notebook and how those doodles used to make me smile...

Of all the great things that ever happened to me, you were my most favorite. I’m not trying to buy you but seriously, you were the bestest of my best friends, the most awesome person I came across with in my two-decade existence. Even then, I knew that it would be hard for someone else to take your place in being the awesomest person I know. We undeniably shared a very exceptional and intimate bond, given the fact that falling in love wasn’t exactly a part of the plan. And it felt awful watching my best friend, of all the people in my life, let slip and return to being a stranger. We were pretty cool together, comfortable together... Happy together. And if there’s one thing I miss the most right now, it’s the way I can talk to you just about everything. But what I have right here, and all I’ll ever have, is the mere illusion of your presence, close at hand, intently listening as I make up these conversations which the luckless circumstances already made impossible to happen. And every time I’m down and out, I randomly blurt some words to thin air, pretending that I’m talking to you just like what I’m doing now. It’s foolish but nothing else can give me a lighter feel. (Well, I’m actually just high on fairy dust.) I couldn’t stand losing the romance but what I couldn’t stand more is losing the companion I had in you.

Now that we got to bid this inevitable farewell, I’ll just be happy that I never missed a thing in the whole span of our relationship. Every moment was cherished and re-cherished, every kiss was heartfelt; every story you told was intently listened to and noted ; and every ‘I love you’ that you heard from me was sincere and evidently acted out. And although I can never get you back in my life, I’d appease myself by thinking that at least I gave a shot at relentlessly trying to keep you here. Another thing that I don’t regret is that your love for me never has to have a posthumous recognition. After all, I never –not even once—took you and everything we shared for granted. I guess love just has an ironic way of turning someone special into a person you can’t stand having around, like how you feel towards me now. Fate is just a jerk sometimes, placing detours after having two people cross their paths and unfortunately, time has terrible means of turning “we are” into “we used to be”. Love, fate and time. Sometimes, they can’t just work well altogether. And we are the children of their failure.

With that, I remember when you once gave me a rose as a sign of your affection. I’d like to, just for pretend, give one back to signify its death. Roses are offered as expressions of love but satirical as it is, they are also offered as sympathetic gestures in times of bereavement. Suffice to say, your love did wilt away with your rose and there’s no hope in reviving something that’s already dead. Lifeless things are only meant to be discarded, thrown away, put underground where they now belong. I killed you with words, didn’t I? But you’ve exchanged the same share of blows by depriving me of those. You left stains in my memory that I couldn’t just rub clean. Well, your silence said a lot. It was enough to leave me as good as dead, except I cannot be buried because people still think I’m breathing, unaware that I’m sauntering through these streets already lacking a soul. But I guess it’s just part of the deal. Like the song goes, “What do you get when you fall in love?”. It’s pain, motherfuckers. It’s pain. In the economy of romance, there’s gotta be a price paid for the bliss enjoyed. It’s just how love goes, right? Love and its universal rules, giving us the penalty of pain for abiding by the laws. So you’re not the one who’s cruel. Life is, and how it designed love to be overly destructive.

Still, the thought of our parting has locked me in this phase of dissent. I admit that I have no idea how I will ever teach myself not to condemn this mishap. On the contrary, I shouldn’t be remorseful about this fairytale meeting its end. Instead, I have to acknowledge the idea that just for once, I’ve known what it's like to have a portion of that ‘happily’ even without the ‘ever after’. With that, I couldn’t thank you more for everything –the love, the inspiration, the joy, the laughter, and the awesome adventure; however, our paths have only crossed in an intersection and after that, we’re meant to go our separate ways. But like I told you, I know you came into my life for something quintessential. I have already seen that purpose and indeed, you taught me a lot of things. I have also tested it true that some people idle in our lives for too long but hardly make a dent while some only stay for a while but leave a mark that lasts a lifetime (Like Boysen paint). And yup, you’re part of the latter (you’re the Boysen paint). Sadly. Had I known that, I would have kept my world from orbiting around you but serendipity must have sensed that I love surprises so she never let me see that coming. It was worth it, though. You were worth it... But we can’t dwell on that anymore. It’s not like it’s gonna change what is now.

The green light’s already on and prepared or not, we have to drive past each other and set off to different directions. I’d steer looking at the rearview mirror because that’s the only way I can catch a glimpse of you now. Hell, I can even be a pro at driving in reverse. I know I can only move forward by stepping on the gas and driving straight where I’ll get myself far away from where I’ve been. Far, far away from you. My friends, the ones saner than me in the meantime, are trying to drag me up the highway because I think my foot’s still stepping on the break until now. (They said, “You’re causing traffic, dumbass.”) As I get dragged farther and farther, the more I can’t resist looking behind. And the most distressing thing is watching you speed up to where you want to be, barely glancing back. Can’t I just have 5 more minutes? 5 more days, 5 more years with you? Or maybe even just one last glance will do. But I can’t anymore, right? As much as I want so bad to still have you in my present and future, you’re already the one who chose to be left in my past. But if the time comes when you get lost and you don’t anymore know where to go, keep in mind that I’m still right where you left me. Just in case you might want to go back. I am not going to promise to forget you because forgetting you is like letting go of a very significant part of me. It’s like giving away something I can’t survive without. But if erasing me from your life and not hearing anything from me ever again is how much your happiness costs, then...  Let’s just put it this way.

Remember when I used to tell you, “I love you, forever. (Hearts, hearts. ^_^ Haha.)”? That ‘forever’ isn’t just a word, it’s a commitment. Also, remember when you said you know you truly love someone when you start sacrificing things for them? Indeed, you were right. Lastly, remember when I sometimes address you as “mon raison d’être”? Well, the human body is a vessel, worthless and empty without its raison d’être –its reason of being. Since you’re my ‘raison d’être’ and you preferred to get rid of me, I’d leave you be and stay here with these bare, shriveling layers of skin and bones while my heart and mind –the very essence of my being – quietly cling to you until time puts an end to eternity. I don’t care whether or not you take notice but this is my sacrifice. And whether you take it or leave it, I’d stay committed to the forever that I gave you. All I have are words to offer you right now but you know damn well how I hold on to them. But until then... So long, so long, dearly beloved. My unreachable star. (You fucking heartbreaker. Asshole. Nah, just kidding!)

I’m right where you left me, always.