24.8.15

Isang Hakbang

Isang hakbang palapit ang akin,
Isang hakbang palayo ang sa'yo.
Saan mo itinapon ang pag-ibig?
Baka maaaring pulutin ko.

Isang halik ng luha sa hatinggabi,
Isang hikbi sa bawat yumaong silakbo.
Isang heleng 'di aabot sa iyong pandinig
Sa mga oras na nangingibabaw ang pagkabigo.

Isang haplos sa pagkahinawa
Isang hilagyong pinawian ng dagitab
Halakhak sa bawat nagkukunwaring
Panlunas sa nagkukubli pang lagablab.

Isang hikab ng pusong pagal,
Isang hiwa sa kirot ng bawat paalam.
Saan mo itinapon ang pag-ibig?
Saan mo ba itinapon...

5.8.15

Ano'ng Trip ng Kalawakan? Part III

Sabi sa kanta, “Can we pretend that airplanes in the night sky are like shooting stars? I could really use a wish right now.” Bakit kaya hindi na lang niya tiyagaing maghintay ng totoong shooting star? Mas astig kaya makakita ng shooting star kaysa sa airplane. Isa pa, tulad ng airplanes, marami ding dumadaan na shooting stars sa langit araw-araw. (Oo, kahit may araw meron pa ring shooting star. Pero mas makikita lang natin sila kapag gabi.) Mahirap nga lang silang tiyempuhan. Magugulat ka na lang na biglang may liwanag na guguhit sa langit at bigla ring mawawala after a split second. Tapos matatanga ka. Makakalimutan mong magwish minsan. Boom, tanga. ‘Yun siguro yung nangyari sa kanta. Gusto niya, sa airplane na lang magwish kasi mas mabagal yung airplane.

Pero bakit kaya nagwiwish yung iba sa shooting star? Bakit sila naniniwala na matutupad ‘yun? Mamaya, kasama pang mamatay ng shooting star yung mga pangarap nila. Pero ewan ko. Sabihin na nating primitibo at walang scientific basis pero wala rin naman sigurong mawawala kung magwiwish sa shooting star. Mabuti nga, may pinaghuhugutan pa sila ng pag-asa. Mabuti nga, may pinaniniwalaan pa sila. Ako, humihiling din ako sa mga shooting star. Wala lang. Trip ko eh, walang basagan. Minsan, nagbibilang ako ng maraming shooting stars hanggang sa wala na akong mawish. Minsan, isa lang hinihiling ko. Paulit-ulit hanggang mapagod na akong maghintay ng shooting star. Minsan, iniisip ko na sana mas madilim pa yung gabi para mas makita ko yung mga bitwin. Nakakatuwa lang din kasi isipin na kahit gaano pa kagulo dito sa Earth, kapag tumingin ka sa langit, sobrang kalmado ng lahat. Kahit nga yung kidlat, nakakatakot pero maganda tignan (as long as nasa langit lang siya). Pero hindi ko lang alam kung bakit sa dinami-dami ng celestial beings, sa stars pa napili ng iba magwish. Bakit hindi na lang sa moon? O sa Mars? O sa clouds?


Siguro, wala namang pinag-iba kung magwish ka sa shooting star, o sa wishing well, o sa wish stick, o dun sa maliit na puting mabalahibong halaman na galing sa damo tapos ‘wish’ din ang tawag tapos lumilipad na lang ‘yun bigla sa hangin tapos sasaluhin mo tapos magwiwish ka tapos hihipan mo ulit sa hangin. Basta naniniwala akong kahit saan ka man magwish, may makikinig at makikinig sa bulong ng puso mo. Pwedeng engkanto, multo, pwedeng si Adonai o si Thor. Pwedeng yung parents mo o yung kapitbahay mong gossiper. Basta wish lang ng wish at patuloy ka ring maniwala, libre at unli naman yan. Kaya wala rin sigurong problema kung piliin na lang ni Haley na sa airplane magwish, trip niya ‘yun eh. Sa huli, pare-pareho lang naman tayong humihiling sa kalawakan... kahit hindi natin lubos na naiintindihan kung ano talagang trip nito. 

The Grass is Greener Here

The grass is greener here where
Asphalt pavements are only set for two,
To give more room for the grass—
And even for me
To grow.

Sunsets are a little more glorious here where
The horizon is a limitless stage that
comes to life in an orange haze past the afternoon.

The night is a little brighter here compared
To the skyline filled with shrouds of dusty air.
Stars own the night here.
Crickets will sing tonight, here
Against the clay moistened by the soothing fog
Where the grasses will always remain greener.

Mga Pagmumuni sa Ilalim ng Star

Mga binasurang bitwin, gabukang tubig
Pala ang kinahihinatnan
Kapag pinagsawaan nang masdan,

Nasilaw siya sa mga patak nito
kaya siya pumikit.

Sinalo ng talukap ng kaniyang mata
Lahat ng ipinamimigay ng langit-- 
Butil sa butil,
masaganang isinasaboy sa lupa at
sandalian niya munang ipagdaramot

Pantapal sa dumi ng kaniyang pisngi,
Ginhawang pagdampi sa galos
mula sa tinik ng rosas niyang mga labi.
Hindi na

Niya makilatis kung ano
Ang kinaiba ng basahan

Sa tao.

Mga binasurang nilalang, masahol pa
Sa gabok ang kinahihinatnan
Kapag pinagsawaan nang masdan,
Hindi na

niya mawari
kung paano siya kaiba
sa lumot ng sahig na
Matagal ring nauhaw
sa halik ng

ulan. 

Midsummer Station

I
Found myself catching embers
In a dormant railway,
nearly forgotten
except the tracks still battle,
fighting long and hard,
these wild grasses
and dead dreams.

Embers to ashes,
Ashes to dust into
nothing, looking
at my dirtied palm,
What would I
expect from something
That was once afire?

Like tracks that led to
Somewhere promising
Turned into
Dead dreams and wild grasses
And—stop
There really is nothing here anymore.


Kanlurang Kanlungan

Kanluran ko ang kanlungan mo
Kaya’t naglalakad akong paurong
Sa kanlurang palaruan mo
Sakdal alipin ng iyong alaala’t
Tanging pinagtagning larawan
Ng hamugang moog at kalawakang
Kahel na may dungis ng abo.

Kimkim ko’y tiwalang
May pait ng alinlangan
Sa hanging idinuyan ka sa aki’t
Tinangay ka rin palayo
Ngunit ano pa’t singhalan
Marahas na kapalarang
Iniwan akong bigo?
Itinuturing ko pa ring marikit,
Gayunman, na nakasama ka sa mga guhit
Na naiukit sa aking palad.

Mapalad
Pa ang bintanang nabihag
Kang mabilis nang ‘yong dungawan
Dahil nakita mo ang ligaya’t kalayaan
Sa kanlungan mong kanlurang palaruan

Ngunit darating rin ang araw
Na hindi mo na siya makikilala

At pag-aaralan mong limutin na rin,
Lubos kapara ng hamak mong paglimot

Sa atin.