Kanluran ko ang kanlungan mo
Kaya’t naglalakad akong paurong
Sa kanlurang palaruan mo
Sakdal alipin ng iyong alaala’t
Tanging pinagtagning larawan
Ng hamugang moog at kalawakang
Kahel na may dungis ng abo.
Kimkim ko’y tiwalang
May pait ng alinlangan
Sa hanging idinuyan ka sa aki’t
Tinangay ka rin palayo
Ngunit ano pa’t singhalan
Marahas na kapalarang
Iniwan akong bigo?
Itinuturing ko pa ring marikit,
Gayunman, na nakasama ka sa mga guhit
Na naiukit sa aking palad.
Mapalad
Pa ang bintanang nabihag
Kang mabilis nang ‘yong dungawan
Dahil nakita mo ang ligaya’t kalayaan
Sa kanlungan mong kanlurang palaruan
Ngunit darating rin ang araw
Na hindi mo na siya makikilala
At pag-aaralan mong limutin na rin,
Lubos kapara ng hamak mong paglimot
Sa atin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento