20.10.14

Magandang Umaga

“Ay lintek. Umaga na”, sabi ng aking kaibigan.
Nagising, balisa. Ngarag sa oras.
Minsan, ganito talaga
Ang bati natin sa umaga.
Gustuhin man o hindi.

Titig lamang ang aking sagot.
Saka lilingon palabas.
“Haha”,  sabi ko sa sarili ko,
Habang pinagmamasdang mamuti ang langit.
Nakatulog na silang lahat, at namulat nang muli.
Ako, heto.
Inupo ko lamang ang gabi.
Umaga na’t nandito pa rin.
Para saan?

Malay mo kasi, baka hindi ko  na
Makita pa ulit
Ang pagputi ng umaga
Kinabukasan.

Lahat tayo’y ngarag sa kani-kaniyang
Kadahilanan.
At hindi sapat ang bente kwatro oras
Kahit gustuhin
O kahit naman hindi.
Kahit pilitin. Lalo nama’t


Putulin. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento