29.10.14

Nakita Ko sa Malayo (Ang Bangs ni Zedie)

May mga ilaw na hindi nakasindi
       mula sa malayo;
Madalas ko kasi itong minamasdan
       tuwing gabi.
Nakakaaliw---
       ang siyang kadilimang sumasalamin
       sa anino mo.

Kabisado ko ang bawat kahel na tuldok
       at mismong ukit ng bundok
Kahit sinasabayan ng ugong
     ng aircon ng kapitbahay
     (na kinulang sa linis)
Sinasapawan ng pitik ng iskala
     sa byolin ni Jaydison Aniwer (kahit saan)
Ang pagdagsa ng mga alaala mo, natin
    -ag ka ba?


Tag kita.

(Galing sa Mga Diskurso sa C10... ni Moran at Jader)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento